Politicians and Election, Vote in Freedom, Actively Participate in Democracy, Vote for Change, Online referendum
Benigno Aquino III

Year One speech of President Benigno Aquino III

Benigno Aquino III 47%

SPEECH OF HIS EXCELLENCY BENIGNO S. AQUINO III

 

PRESIDENT OF THE PHILIPPINES ON THE ANNIVERSARY OF HIS FIRST YEAR IN OFFICE

 

Isang taon na rin nga po pala ang lumipas. Naaalala pa po kaya ng lahat ang pinagdaanan natin? Dati, kapag nakarinig ka ng wangwang sa kalsada, wala ka nang magawa kundi tumabi. Ang pinakamatayog mong pangarap ay makakuha ng VISA para makapagtrabaho sa ibang bansa. Matutulog ka nang mahimbing, ngunit gigisingin ka ng bahang halos umabot na sa iyong higaan, dahil wala man lang babalang ipinaabot sa iyo ang PAGASA. Ilan po ba sa atin ang sumuko na at nagsabing wala na sigurong makakamit na hustisya ang limampu’t pitong Pilipinong minasaker sa Maguindanao?

 

Naalala po ba ninyo ang panahon kung kailan kapag may maririnig kang masamang balita, di mo man lang makuhang umiling dahil alam mong may mas masahol pang parating? Noon, sabay-sabay ang mga Pilipinong magbuntong-hininga: tiisin na lang natin, tutal patapos na rin naman ito. Di po ba’t nabigla tayong lahat nang umangat ang ekonomiya bago mag-eleksyon nung isang taon—iyon po pala, kaya umangat, nakaantabay na, hindi lang tayo kundi ang buong mundo, sa pagbaba ng administrasyong Arroyo, at sa napipintong pagtatapos ng kalbaryo ng Pilipino. Di po ba’t parang kahapon lang nang iabot ninyo sa akin ang naghi. ingalong liwanag ng pag-asa, at tinawag ninyo ako upang ipaglaban ang daang matuwid?

 

Read more: philSTAR.com (JUNE 30, 2011)

 

 


martina -
Flag it!no spam

ElectionsMeter is not responsible for the content of the text. Please refer always to the author. Every text published on ElectionsMeter should include original name of the author and reference to the original source. Users are obliged to follow notice of copyright infringement. Please read carefully policy of the site.

 
load menu